ANO ANG KAIBAHAN NG KILUSANG PANDAIGDIGANG SOSYALISTA (WORLD SOCIALIST MOVEMENT) KAYSA IBANG MGA PANGKATIN?

Wala nang pananalapi – Nais ng WSM na buwagin na ang pananalapi at sahod o upa sa anupamang anyo nito. Sa isang lipunan na may pag-aaring pangkalahatan at malayang paggamit, ang salapi ay wala ng halaga o layunin.

Wala nang mga Amo

– Hangad ng WSM ang tunay na demokrasya; ang mga tao ang gumagawa ng desisyon sa kanilang mga gawain na walang amo. Kung walang mga pinuno, mga batas, at mga hangganan, magiging posibli ang isang pandaigdig na sistema ng malayang paggamit.

Ang Direktang Makakamtan ng Sosyalismo

– Ang mga rebolusyong Komunista na nabuo sa masamang pananaw sa mga nakalipas na panahon ay umasa sa “ilusyon ng mga pagbabago ng kalagayan” para itago ang katotohanan na hindi nila kayang kamtin ang sosyalismo. Tanging ang nakararaming tao lamang ng mundo ang makagagawa nito – at ito ay makakamit sa unang pagkakataon!

Ang Pagbuwag sa mga Uri

– Sa pamamagitan ng pagpalit ng sistema ng malayang pagpasok o paggamit, sa sistema o batas ng pagmamay-ari, ang basehan ng may-uring lipunan ay titigil na mapanatili pa at sa ganito ang kayamanan ng mundo ay magiging pag-aari ng lahat. Samantalang ang mga tao ay nananatiling mga magkakaibang indibiduwal, sa ilalim ng sosyalismo sila ay magiging pantay-pantay! Hindi ri n tinatanggap ng WSM ang pagtatangka ng uring namumuno na ipandaya sa atin ang pagkakaroon natin ng isang multong uri ng pagkatao. Mayoon lamang dalaw ang uri, yaong mga dapat magbenta ng kanilang paggawa para mabuhay at yaong mga nagtataglay ng sapat na kayamanan para iwasan ang ganito. Ang uri natin ay ang uring manggagawa!

Ang Pagtakwil sa Reporma

– Ang lahat ng uri ng mga partido pulitikal o mga lapiang pampulitika ay itinataya ang k anilang patuloy na buhay sa pag-asang kaya nilang baguhin ang paraan na nagpapakilos sa sistema para sa kagalingan ng mga taong kanilang kinakatawan. Gay unpaman, wala isa man na mayoryang partido pulitikal ang tumutol sa kapitalismong sistema o kaya ang karapatan ng isang minorya na kontrolin ito. Kinikilala ng WSM na ang sistemang kapitalista at ang bantay nito, ang estado, ay hindi kailanman gagawa laban sa kanilang sariling kapakanan. Amin ring kinikilala ang pagkakapare-pareho ng interes sa lahat ng mga tao, at hindi papayag sa alinpaman maliban sa pandaigdig na sistema ng sosyalismong demokrasya at malayang pagpapasok o paggamit ng lahat.

Walang mga Taliba o Tanod

– Hindi tinatanggap ng WSM ang kaisipan na ang naliwanagang minorya ay mapapangunahan ang masa ng mga hindi aral tungo sa sosyalismo para sa kanilang sariling kapakanan. Tayo ay nagsisikap upang itayo ang isang pangmundong mayorya ng mga may kamalayang uri ng tao na humihiling para sa kanilang sarili ng isang mas mabuting sistema, isang sistemang gagawa para sa kanilang pangangailangan. Wala tayong pinuno at bayarang mga posisyon – isang tunay na walang katulad sa lahat ng mga kilusang pampulitika!

Walang Marahas na mga Rebolusyon

–Ang isang institusyon o isang kaisipan na iniluwal ng karahasan ay naglalahad ng kakulangan ng mayoryang interes at karaniwang tumutungo sa lalong karahasan para sustinihin o patagalin pa ang sarili. Ang pagtawag para sa marahas na rebolusyon ay mas malimit na nagmumula doon sa mga kulang sa kakayahan, o kaya ay kayang sikmurain na kahit papaano ay umasang maisasakatuparan nila ito! Ating napagwari, nakakalungkot, na taglay na ng kapitalismo ang kakayahan na sirain ang bawat nilalang ng maraming beses – ang isang marahas na pagtatangka upang ibagsak ito ay mapupunta lamang sa m apait na kabiguan. Sa halip, gagamitin ng WSM ang sistema laban sa kaniyang sarili – sa pamamagitan ng paghatol sa estado at pagmamay-ari na magl alaho sa isang pamamaraang pangmundong pangmadlang paggalaw!

Wala Tayong Bolang Kristal

– Dahil tayo ay hindi nabubuhay sa banaag ng sosyalismo, kakatiting lang ang ating karapatan na alamin ang kahihinatnan nito, liban na lang kung makipagtulungan tayo sa iba pang mga sosyalista na paghandaan. Kaya nating ilatag ang mga simulaing-gawa, ngunit ang sosyalistang daigdig sa hinaharap ay lilikhain ng mga naroon sa oras na yaon. Hindi tayo mag-aalay ng opisyal sa pagtaya sa kung ano ang magiging kahihinatnan ng sosyalismo, liban na lamang sa kung ano ang nakalahad sa ating “Deklarasyon ng mga Prinsipyo” ( ngunit masaya nating isipin at pag- usapan ang tungkol dito). Ang gawain natin sa oras na ito ay ilatag ang mga pundasyon ng sosyalismo!

Ang Kuwento ng Pagkatao ng Tao ay Materyalismo

– Nakasulat sa malaking titik na “M”. Aming pinapaniwalaan na ang malaking bahagi ng kasaysayan ng tao ay yaong ginagawang paglunas ng tao sa suliranin para mabuhay tayo – sa ibang salita, ang pabago-bago nating pakiki pag-ugnayan sa mga pamamaraan ng produksyon, na kailangan natin para patul oy na mabuhay, maging malusog at maging maligaya. Ang kasaysayan, ayon sa paglalahad sa atin ng mga tagapamahala o amo, ay punong-puno kapwa ng mga kagalingan ng mga tinaguriang “Dakilang Tao” at dunong na ipinagkaloob ng nasa Kaitaasan. Hindi tinatanggap ng WSM ang mga paliwanag na ito ng pantaong karanasan, at kinikilala ng WSM na ang ating pagkakaroon ng kinalaman parehas doon sa materyal na mundo at ang ating kakayahan na makisalamuha dito sa pinakamagaling na interes ng sangkatauhan.

Hindi natin kailangan ang Relihiyon

– Na magtuturo sa atin ng landas o kaya ay paasahin tayo ng paasahin sa ating kaligtasan. Sa halip, itayo natin ang ating sarili at ipaglaban ang ating mga panganga ilangan, at ang ating pag-ibig sa sangkatauhan ang kinukunan natin ng lakas, at tulungan ang ibang mga tao sa landas na ating binabagtas. Samakatuwid, ang sosyalismo ang pag-iral o konsekwensiya, pagkatapos – relihiyon – hi ndi natin pinakikialaman ang aktibong salungatin ang spiritwal na pananampalatay a, subalit nakikilala natin ang kawalang-kaugnayan nito sa ating gawain sa kasalukuyan. Samantalang napakaraming mabuti (at masama) ang nagawa ng mga indibidwal sa ngalan ng relihiyon, ang mga bagay na ito ay hindi nakapagdala sa atin palapit sa tunay na kalayaan.

Wala pang Sosyalismo…Sa Ngayon

– Nababatid ng WSM na hindi maaaring manatili ang mga pulo-pulo ng sosyalismo sa karagatan ng kapitalismo. Ang mga tinaguriang komunista at sosyalistang bansa sa buong mundo ay hindi naman talagang tunay na sosyalista, kahit na sa kabila ng buong pagsisikap ng nakapangyayaring uri at mga tagasunod nito na ilarawan silang mga sosyalista. Ang lahat ng lugar na ito ay gumagamit ng ilang katawagan ng kapitalismong pang-estado – salapi, batas, at pagkaalipin sa upang-sahod ay buhay at namamayagpag – subalit ang kapitalismong estado ay hindi sosyalismo.

Ang Susi ay ang Pagkakaroon ng Katatagan

– Ang ating “Layunin at Pagpapahayag ng mga Prinsipyo” ng Sosyalismo ay hindi kailanpaman nagbago mula pa noong 1904, sa digmaan man o panahon ng kapayapaan, pag-unlad man at pagbagsak ng ekonomiya, kahit na pagdating at pagdaan ng Rebolusyong Pang-Industriya at panahon ng Makabagong Kabatiran (Industrial Revolution during the 18 th to 19 th centuries and Information Age during the 20 th onward to 21 st centuries). Hindi tayo nasisilo sa pagtatanggol sa simulaing ito o kaya napapalipat-lipat gawa ng kalakarang pulitikal, sapagkat ang mga pansamantalang lunas ay hindi kailanman mapagagaling ang sakit. Sa ngayon, katulad ng nakalipas na sandaang taon, ang tanging lunas sa halos lahat ng problema na kinakaharap ng sangkat auhan ay ang pagpapalit ng batas ng pagmamay-ari at sistema nito at ang pagkaalipin sa upang-sahod, sa pamamagitan ng isang malaya at demok ratikong pamamahala ng lipunan para sa paggamit at hindi para sa kita o tubo.

Ang Nais Ipakahulugan ng Sosyalismo – Isang Daigdig

Katulad ng Kapitalismo na isang pandaigdig na sistema ng lipunan, ganoon din ang dapat mangyari sa sosyalismo. Hindi kailanman nagkaroon, o magkakaroon man, ng sosyalismo sa isang bansa lamang dahil ang materyal na basehan nito ay ang pambuong-mundo at magkakaugnay na pamamaraan ng produksyon na nilikha ng kapitalismo. Ang malaking bahagi ng nalikhang yaman sa mundo ngayon ay ibinunga ng tulong-tulong na paggawa ng milyun-milyong nagpapatakbo ng mga pamamaraan ng produ ksiyon. Ang kailangan ngayon, upang maitayo ang sosyalismo, ay isang madamdaming desisyong pulitikal sa bahagi ng mga milyun-milyong ito sa buong mundo upang pamahalaan ang lipunan ayon sa kanilang sariling kapakanan.

Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng mga pamamaraan ng produksiyon sa buong mundo upang maging pagmamay-ari ng lahat, na may demokratikong kontrol ang buong pamayanan, at ang produksiyon ay nakalaan lamang upang gamitin.

Ang pangkalahatang pagmamay-ari ay magiging isang ugnayang panlipunan ng pagkakapantay-pantay sa pagi tan ng lahat ng tao patungkol sa paggamit ng mga pamamaraan ng produksiyon. Mapaparam o mawawala na ang mga uri, mga gobyerno at mga maki narya ng estado, o kaya ay mga pambansang hangganan. Ang demokratikong kontrol ay maglalakip sa buong pamayanan sa paggawa ng mga desisyon tungkol sa paggamit ng mga pamamaraan ng produksiyon. Sa halip na nakapangibabaw ang gobyerno sa mga tao, magkakaroon na ng iba’t-i bang antas ng demokratikong pamamahala, mula sa lokal pataas hanggang sa rehiyonal at pandaigdig na mga antas, na kung kinakailangan ay isalin o ipaubaya ang responsibilidad sa mga pangkat at mga indibiduwal.

Ang produksiyon na nakalaan sa paggamit ay magdadala sa produksiyon sa tiyakang linya ng mga pangangailangan ng tao. Dahil wala nang salapi, mga kabayaran, pamimili at pagbebenta, magkakaroon na ng isang mundo ng malayang kalakaran. Bawat isa ay makakapag-ambag sa lipunan sa pamamagitan ng boluntaryong pagtatrabaho ayon sa kakayahan. Ang bawat isa ay malayang makapangunguha mula sa anupamang maaaring kunin, nang naaayon sa mga pansariling pangangailangan.

Mga Suliraning Pambuong Daigdig

Ang motibasyon sa bagong daigdig na ito ay nagmumula sa pare- parehong interes niyaong mga lumilikha subalit hindi nagmamay-ari. Ang isang mahalagang bahagi ng pampukaw ay nanggagaling sa mga problemang pangmundo na ikinalat ng kapitalismo. Napapawalang halaga ng mga problema sa ekolohiya ang mga pagsusumikap ng gobyerno. Tayong lahat ay apektado ng mga digmaan at ang nagpapatuloy na banta ng digmaang nukleyar. Ang suliranin ng hindi pantay na pag-unlad ay nangangahulugan na napakaraming lumilikha sa mga di pa maunlad na bansa ang dumaranas ng matinding gutom, sakit at malabis na kahirapan. Ang l ahat ng problemang ito ng kapitalismo ay malulunasan lamang sa loob ng balangkas ng sosyalistang daigdig. Ang mga problemang pangkapaligiran ay nag-aatas ng isang pangmatagalang pagpaplano at pagpapaunlad na ang tunggaliang internasyunal sa kapitalismo ay walang kakayahang isagawa. Ang giyera at ang patuloy na banta ng digmaang nukleyar ay apektado lahat ang pagbabago sa industriya ng armas (ito ang pinakamalaking industriya ng kapitalismo) mula sa paglikha ng mga pamuksang armas tungo sa paglikha ng mga makabuluhang bagay upang punan ang mga pangangailangan ng tao ay magtatagal. Ang pagpapatigil sa pangmundong gutom at kahirapan, sa kabila ng l ahat, ang magtutulak ng pagtutulungan at kooperasyon ng buong mundo sa sosyalismo na maging isang mahigpit na pangangailangan.

Subalit hindi nito isinaisantabi ang lokal na demokrasya. Sa katunayan ang demokratikong sistema ng pagpapasiya ay nangangailangan na ang pangunahing pangkat ng samahang panlipunan ay ang lokal na pamayanan. Datapwat, ang karamihan ng mga problemang ating kinakaharap at ang napakaraming mga produkto at serbisyong nabubuo sa kasalukuyan katulad ng mga katutubong materyales, yamang-enerhiya, produktong agrikultura, pangmundong transportasyon at komunikasyon, ay kinakailangang ang produksiyon at pamamahagi ay mabuong pantay sa daigdig. Kaalinsabay nito, kailangan ang isang demokratikong pandaigdigang pamamahala, na kontrolado ng mga delegado mula sa rehiyonal at lokal na antas ng pamamahala sa buong mundo.

Paglilinang ng mga Kaisipan

Ang pandaigdig na kilusang makapanlipunan, na mula dito ang Lapiang Sosyalista ay isang bumubuong bahagi, ay nagsasaad ng pare-parehong interes ng uri ng mga lumilikha. Sapagkat ang kapangy arihang pulitikal sa kapitalismo ay nabubuo salig sa teritoryo, ang bawat partidong sosyalista ay may tungkuling kamtan sa demokratikong paraan ang kapangyarihang pampulitika sa bansa kung saan ito ay gumaganap. Kung iminumungkahi ang mga pangkaisipang sosyalista ay maaaring lumago ng di pant ay-pantay sa buong mundo, at saka ang mga sosyalista sa isang bahagi lang ng mundo ay nasa kalagayan na magkaroon ng kontrol sa pulitika, k ung ganon ang pasiya tungkol sa aksiyong gagawin ay ang para sa buong kilusang sosyalista bunsod na rin ng lahat ng pangyayari sa oras na yaon. Ngunit isang kaululan, na ibase sa isang aksiyong pampulitika ang isang programa ayon sa paniniwala na ang mga pangkaisipang sosyalista ay lalago ng di pantay-pantay at saka dapat tayong maging handa kung gayon, na itatag ang “sosyalismo” sa isang bansa o kahit na sa isang grupo ng mga bansa katulad ng European Community.

Bilang panimula, isang hindi makatuwirang palagay na ang mga kaisipang sosyalista ay lalago ng di pantay. Dahilan sa pandaigdig na likas ng kapitalismo at ng mga panlipunang relasyon nito, ang malawak na bahagi ng nakararaming mga tao ay nabubuhay sa parehas na pangunahing kundisyon, at dahil na rin sa pandaigdig na sistema ng komunikasyon at ng media, walang dahilan para ang mga kaisipang sosyalista ay mapigilan para sa isang bahagi ng mundo lamang. Anumang tangka na itatag ang sosyalismo sa isang bansa ay mabibigo dahil sa pagdidiing ipinagpipilitan ng pandaigdigang mercado sa mga pamamaraan ng produksiyon ng bansang yaon. Ang mga karanasang kailan lamang sa Russia, Tsina at saanpaman ay buong katiyakang ipinakikita na kahit ang mga kapitalistang estado ay di nila kayang ihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa mga rikisitos ng isang pinagsama- samang sistema ng produksiyon na pinaggagalaw sa pamamagitan ng pandaigdigang pamilihan.

Dahil nahaharap sa ganitong paliwanag na papaano mag-organisa ang buong mundo, marami ang tatanggihan ito para doon sa iba na mas “makatotohanan o realistiko”, kabilang na ang ilang tumatawag sa kanilang mga sarili na sosyalista. Kanilang sinisikap na resolbahin ang mga problemang panlipunan sa loob ng balangkas ng pamamaraang gobyerno, ang makinarya ng estado, pambansang mga hangganan, sal api, kabayaran, pamimili at pagbebenta. Ngunit kung ang ating pagsusuri sa kapitalismo bilang isang pandaigdig na sistema ay tama –dapat munang ipakita sa atin kung papaano ito naging mali – kung ganun ang pulitikang pang estado ay hindi na nauukol bilang isang paraan sa paglutas ng mga problemang panlipunan. Sa paningin ng buong mundo, ang pulitikang pang-estado ay may halaga lamang kung makikita bilang isang pamamaraan sa pagkamit ng kapangy arihan pulitikal upang ipakilala ang isang daigdig ng malayang pagpasok o paggamit.