MGA LAYUNIN AT SIMULAIN I

Layunin ng World Socialist Party

Ito ay ang pagtatatag ng isang sistema ng lipunan na ang basehan ay ang panlahat na pag-aari at demokratikong pangangasiwa ng mga pamamaraan at instrumento sa paglikha ng kayamanan at pamamahagi nito sa kapakanan ng lipunan sa pangkalahatan.

Pahayag ng mga Simulain

Ang World Socialist Party ng Estados Unidos ay nananangan:

1. Na ang kasalukuyang kabuuan ng lipunan ay nakatayo sa pagmamay-ari ng mga pamamaraan ng pamumuhay (katulad ng lupa, mga pagawaan, mga tren, atbp.) ng mga mamumuhunang kapitalista o uring panginoon, at ang resultang pambubusabos sa uring manggagawa, na sa kanilang mga pagtatrabaho lamang, ang kayamanan ay nalilikha.

2. Na sa isang lipunan, samakatuwid, mayroong isang tunggalian ng mga interes, na inilalahad ang kani-kanilang mga sarili sa isang paglalaban ng mga uri, sa pagitan ng mga taong nagtatangkilik ngunit hindi lumilikha, at yaong mga taong nagpapagal ngunit walang tinataglay.

3. Na mapapawi lamang ang tunggaliang ito sa pamamagitan ng pagpapalaya sa mga uring manggagawa mula sa pangingibabaw ng uring panginoon; sa paglilipat tungo sa panlahatang pagmamay-ari ng lipunan, ng mga pamamaraan ng produksyon at pamamahagi, at ng pambayang pagkontrol ng sambayanan.

4. Na katulad ng pamamaraang ebolusyong panlipunan, ang uring manggagawa ang siyang pinakahuli sa pagtatamo ng kaniyang kasarinlan, sapagkat ang pagpapalaya sa uring manggagawa ay siya ring magpapalaya sa sangkatauhan, nang walang pagtatangi ng lahi o kasarian.

5. Na ang pagpapalaya na ito ay dapat na gawin at adhikain na rin mismo ng uring manggagawa.

6. Na ang makinarya ng gobyerno, pati na ang pwersang militar ng bansa, ay nananatili lamang upang pangalagaan ang monopolya ng mga kapitalista sa mga kayamanang nagmumula sa mga trabahador, kung kaya ang uring manggagawa ay mag-organisa ng buong kamalayan at sa pamamagitan ng pulitika para makamit ang mga kapangyarihan ng pamahalaan, upang ang makinaryang ito, pati na ang mga pwersang ito, ay maisabagong-anyo mula sa pagiging instrumento ng pagka-api tungo sa pagiging kasangkapan ng pagpapalaya at ng pagpapatalsik sa pribilehiyong pangmayaman lamang.

7. Na kung ang mga partidong pampulitika ay walang iba kundi ang pagpapahayag ng interes ng mga uri, at katulad rin na ang mga interes ng uring manggagawa ay direktang laban sa interes ng lahat ng pangkat ng uring mapanupil, ang partidong naglalayong mapalaya ang uring manggagawa ay nararapat na kalabanin o sinasalungat ang bawat ibang partido.

8. Samakatuwid, ang World Socialist Party ng Estados Unidos ay lumalahok sa larangan ng pampamahalaang aksyon na determinadong tumayo laban sa lahat ng mga ibang partidong pampulitikal, kahiman sinasabing ang mga ito ay pangmanggagawa o pangmamumuhunan, at tinatawagan ang mga kasapi ng uring manggagawa ng bansang ito na itaguyod ang mga prinsipyong ito at wakasan na ang sistemang nagkakait sa mga manggagawa ng mga bunga ng kanilang pagpapagal, at upang ang karukhaan ay mabigyan ng puwang ang kaginhawahan, ang karapatan sa pagkakapantay-pantay, at ang kasarinlan sa pagiging alipin. “Pangmundong Partido Sosyalista ang Estados Unidos” “Pandaigdig na Kilusang Makapanlipunan”