{"id":1576,"date":"2019-03-16T23:58:32","date_gmt":"2019-03-16T23:58:32","guid":{"rendered":"https:\/\/wsm.prolerat.org\/?page_id=1576"},"modified":"2019-03-16T23:58:32","modified_gmt":"2019-03-16T23:58:32","slug":"mga-layunin-at-simulain-ii","status":"publish","type":"page","link":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/mga-layunin-at-simulain-ii\/","title":{"rendered":"MGA LAYUNIN AT SIMULAIN II"},"content":{"rendered":"\n<h3 class=\"wp-block-heading\">LAYON (Object)<\/h3>\n\n\n\n<p>Ang pagtatatag ng isang sistema ng li\npunan na nakasalig sa pagmamay-aring\npangkalahatan at ang demokratikong kont\nrol sa mga pamamaraan at mga\ninstrumento sa paglikha at pamamahagi\nng yaman mula sa at tungo sa\nkapakanan ng lipunan sa kabuuan.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">DEKLARASYON NG MGA PRINSIPYO<\/h3>\n\n\n\n<p>Ang mga Partidong Kapanalig ng Sosyalismo ay nananalig na:<\/p>\n\n\n\n<p>Ang pagkakabuo sa lipunan sa ngayon ay nakasalig sa pagmamay-ari ng\nmga kaparaanan ng pamumuhay (ito nga ay:\nlupa, pagawaan, riles, atbp.) ng\nmga kapitalista o uring panginoon, at ang pagiging busabos ng uring\nmanggagawa, na sa kanilang pagpapagal ang yaman ay nalilikha.<\/p>\n\n\n\n<hr class=\"wp-block-separator\"\/>\n\n\n\n<p>Samakatuwid, sa lipunan, mayroong isang tunggalian ng mga interes, na\ninilalahad nito ang sarili na isang paglalaban sa pagitan ng mga uri na\nnagtatangkilik ngunit hindi nagpapagal, at yaong mga nagpapagal ngunit walang\ntinatangkilik.<\/p>\n\n\n\n<p>Mapapawi lamang ang tunggaliang ito\nsa pamamagitan ng pagpapalaya\nsa uring manggagawa mula sa pang-aalipin ng uring panginoon, sa pagsasalin\nng kaparaanan ng produksyon at pamam\nahagi para maging pangkalahatang\npagmamay-ari ng lipunan, at ang demokratikong kontrol ng buong mamamayan.<\/p>\n\n\n\n<p>Kagaya ng pagkasunod-sunod ng paglitaw ng lipunan ang uring\nmanggagawa ay siyang huling uri na nagtamo ng kanyang kalayaan, ang\npagpapalaya ng uring manggagawa ay magdadamay ng pagpapalaya sa buong\nsangkatauhan, ng walang pagkakaiba ng lahi o kasarian.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang pagpapalayang ito ay narar\napat lamang na gampanan mismo ng\nuring manggagawa.<\/p>\n\n\n\n<p>Dahil sa ang makinarya ng gobyerno, pati na ang sandatahang lakas ng\nbansa, ay naroon lamang para pangalagaan\nang pansasarili ng mga kapitalista\nsa mga yamang kinuha mula sa mga manggagawa, ang uring manggagawa ay\ndapat mag-organisa ng buong kamalayan at\npampulitikal o para sa pagkubkob\nng kapangyarihan ng gobyerno nang sa gayon\nang makinaryang ito, pati na ang\nmga puwersang yaon, ay mapanibago mula sa pagiging instrumento ng pang-\naapi tungo sa pagiging kasangkapan ng pagpapalaya at pagpapatalsik sa\nmapribiliheyong pamumuno.<\/p>\n\n\n\n<p>Dahil sa ang mga partidong pulitikal ay mga pahayag lamang ng mga\ninteres ng mga uri, at dahil na rin ang interes ng uring manggagawa ay tuwirang\npalaban sa interes ng lahat ng sektor ng uring panginoon, ang partidong\nnagsusulong ng paglaya ng uring manggagawa ay dapat na maging kalaban sa\nbawat ibang partido.<\/p>\n\n\n\n<p>Samakatuwid, ang mga Partidong kapanalig ng Sosyalismo ay\npumapasok sa larangan ng aksyong pampulitika na determinadong\nmakipagtunggali laban sa lahat ng ibang mga par\ntido pulitikal, maging ito man ay\nsinasabing makamanggagawa o kaya ay sumumpang kapitalista, at\nnananawagan sa lahat ng kaanib ng uring manggagawa sa mga bansang ito na\nsuportahan ang mga prinsipyong ito upang sa huli ang paglipol o pagpuksa ay\nmaisakatuparan sa isang sistemang nagkakait sa kanila ng bunga ng kanilang\npagpapagal, at upang ang kahirapan ay mapalitan ng kaginhawahan, ang\npribilehiyo ng pagkakapantay-pantay, at ang pagkaalipin ng kalayaan.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">ANG LAYUNIN AT DEKLARASYO\nN NG MGA PRINSIPYO NG\nPANGMUNDONG KILUS\nAN NG SOSYALISMO<\/h3>\n\n\n\n<p>Kalakip ang mga paliwanag kung ano ang kahulugan sa atin ng layunin at\nbawat Prinsipyo.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang pagpapahayag sa ibaba nito ay siyang saligan ng ating organisasyon\nat sa dahilang ito ay isa ring mahalagang dokumentong pangkasaysaysan na\nnagsimula pa sa kaanyuan ng World Socialist Movement, ang orihinal nitong\nlengguwahe ay pinanatili.<\/p>\n\n\n\n<p>LAYON (Object)\nAng pagtatag ng isang sistema ng lipunan na nakasalig sa pagmamay-aring\npangkalahatan at ang demokratikong kont\nrol sa mga pamamaraan at mga\ninstrumento sa paglikha at pamamahagi\nng yaman mula sa at tungo sa\nkapakanan ng lipunan sa kabuuan.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Ano ang ibig sabihin ng:<\/h3>\n\n\n\n<p>\u201cisang sistema ng lipunan\u201d?<\/p>\n\n\n\n<p>Ang daigdig ay isang \u201cpangmundong pamayanan\u201d\n. Bawat rehiyon ay maaring\nmayroong kani-kaniyang partikular at naiibang kaugalian, subalit sila ay mga\nbahagi ng isang mas malaking sistema ng lipunan na ang lawak ay pangbuong-\nmundo. Ang sistema ng lipunang ito ay tinatawag na kapitalismo o\nmakapamuhunan at ang bawat rehiyon at bansa ay nananalaytay sa loob ng\nsistemang ito ng lipunan sa ibat ibang m\nga kaparaanan. Ang sosyalismo ay hindi\nisang nakikipagtulungang isla sa gitna ng kapitalismo, sa halip ito ay isang\npangmundong sistema ng lipunan na papalit sa kapitalismo.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cMga kaparaanan at kasangkapan sa paglikha at pamamahagi ng yaman\u201d?<\/p>\n\n\n\n<p>Kabilang sa mga ito ang mga kagubatan, mga mina, at mga karagatan na \nmula dito ang mga likas na yaman ay piniga, ang mga pagawaan na doon \npinoproseso ang mga likas na yaman, at ang pamamahagi ng mga yaman na \niyan sa pamamagitan ng malawakang transportasyon (tulad ng mga kalsada \nat mga linya ng mga biyahe) at mga sentro ng pamamahagi (tulad ng mga \ntindahan at mga naglalakihang pamilihan). Hindi kabilang sa mga ito ang \nmga pansariling kagamitan tulad ng sipilyo o kasuotan, o kaya ay ang mga\n kagamitang laan sa mga tagapagmana.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cPagmamay-aring Panlahat\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Nangangahulugan na ang pagmamay-aring panlahat ay pagmamay-ari ng \nlipunan, sa kabuuan, ang mga pamamaraan at mga instrumento sa paglikha \nat pamamahagi ng yaman, sapagkat kung ang nagmamay-ari ay ang lahat, \nkung ganoon ang bawat isa ay may pantay na karapatan na kontrolin ang \nmga pamamaraan ng produksiyon at pamamahagi ng yaman. Hindi estadong \npagmamay-ari ang panlahat na pagmamay-ari. Ang estadong pagmamay-ari ay \nisa lamang pagmamay-ari ng uring kapitalista sa kabuuan, sa halip na \npagmamay-ari ng kapitalistang indibidwal, at ng sa gayon ang gobyerno \nang magpapatakbo ng mga estadong panggawain upang pagsilbihan ang uring \nkapitalista. Sa mga nagsariling \u2013 turing na mga \u201ckomunistang\u201d estado, \nang mga estadong panggawain ay nagsisilbi doon sa mga kumokontrol ng mga\n aparato o kasangkapan ng partido\/estado. Ang mga uring manggagawa ay \nhindi nagmamay-ari o kumokontrol. Ang uring manggagawa ay lumilikha \nlamang para sa mga minoriyang may pribilehiyo.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">ANG PAGHAHAYAG NG MGA PRINSIPYO<\/h3>\n\n\n\n<p>Pinanghahawakan ng Pandaigdig na Partidong Sosyalista ng Estados Unidos, ang mga sumusunod:<\/p>\n\n\n\n<p>1. Na ang kasalukuyang kabuuan ng lipunan nakasalig sa pagmamay-ari \nng mga pamamaraan ng pamumuhay (ito nga ay ang mga lupain, mga \npaggawaan, mga tren, atbp.) ng mga namumuhunang kapitalista o uring \npanginoon, at ang resultang pambubusabos sa uring manggagawa, na nasa \nkanilang pagpapagal ang yaman ay nalilikha.<\/p>\n\n\n\n<p>Papaano ginagawa ang pagpasiya tungkol sa pagpapatakbo ng lipunan? \nAnong mga simulain ang nag-aatas kung anong mga kagalingan ang dapat \nlikhain, kung gaano ang dami at kalidad, o kaya kung anong programang \npanlipunan at mga batas ang dapat manatili?<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mga kapasiyahan ay nakasalig sa pag-aasam ng paggawa ng tubo. \nKung ang mga desisyon ay nakasalig sa pangangailangan ng sangkatauhan, \nkung ganon ang mga trak-trak na pagkain na sa halip pamalagiang nasisira\n ay maipapakain sa mga nagugutom. Ang sistemang ekolohiya ng ating \nplaneta ay nawawasak, kahit na ang pagkawasak na ito ay mapalis ang lahi\n ng tao, ng dahil lamang sa pakinabang. Ang mga mahinang kalidad na \ngamit-kagalingan ay nalilikha, hindi dahil kagustuhan ng mga tao na \nmagkaroon ng luma o basura kundi dahil sa mas may pakinabang ang \nmaglikha ng mga ito . Kayang makuha ng mayayaman ang pinakamagaganda, \nang ibang katulad natin ay mas madalas na konti lang ang pagpipilian. \nKahit sino ay puwedeng mag-isip pa ng dose-dosenang halimbawa ng kung \npapaanong ang pagpapasiya ay inilalagay ang paggawa ng kita sa unahan ng\n pagpuno sa mga pangangailangan ng tao.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mga may-ari ng mga pasilidad ng produksyon at pamamahagi ang \nhindi nananagot sa kaninuman kundi sa kanilang mga sarili lamang. Ang \ngobyerno ay gumagawa ng mga batas na nagpapanatili ng tubo para sa mga \nmay-ari bilang isang grupo. Kung minsan, ang isang may-ari o isang grupo\n ng mga may-ari ay nawawalan rin ng kaunti, ngunit sa pangkalahatan, ang\n uri ng mga nagmamay-ari ang palaging nakikinabang sa katagalan. Sa \npagpokus sa mga pinakamasamang kalabisan at gawing legal ang iba pa, ang\n kanilang mga pakinabang ay ligtas sa mga kahilingan para sa mga \nmahahalagang pagbabago.<\/p>\n\n\n\n<p>Habang ang mga Amerikano ay pangkalahatang nakikita ang mga benepisyo\n ng pinag-ibayong produksiyon ng materyal na yaman, ang mga pasiya ay \nginagawa hindi para paunlarin ang ating buhay kundi paunlarin ang buhay \nniyaong mga taong nagmamay-ari ng mga pamamaraan ng produksiyon. Ang \nguwang sa pagitan ng mga sobrang mayayaman at ng marami sa atin ay \npatuloy na lumalaki.<\/p>\n\n\n\n<p>2. Na sa isang lipunan, samakatuwid, may isang tunggalian ng mga \ninteres, sa isang paglalaban ng mga uri, sa pamamagitan ng mga taong \nnagtatangkilik ngunit hindi gumagawa, at yaong mga taong nagpapagal \nngunit walang tinataglay.<\/p>\n\n\n\n<p>Mayroong mga napakaraming ibat ibang mga pagkakabaha-bahagi sa \nlipunan. Pagkakahati-hati ng poot sa kasarian, kulay ng balat, \npinagmulang bansa, relihiyon o ang halaga ng salapi na kinikita ng isang\n tao, at iba pa. Ang walang kaseguruhan ng kapitalismo ang pinagmumulan \nng mga poot na ito. Dapat nating puksain ang pinagmulang lugar ng mga \nito, bago pa man nila mahawahan ang ating mga anak.<\/p>\n\n\n\n<p>Nakikita ng mga sosyalista ang pagkakahati ng lipunan salig sa \npamamaraan ng pagtamo ng yaman. Kung ikaw ay dapat magtrabaho upang \nmabuhay, kung ganon ikaw ay isang uring manggagawa, subalit kung ang \nmalaking bahagi ng iyong kinikita ay nagmula sa pagtatrabaho ng iba, \nkung ganon ikaw ay isang kapitalista. Ang ganitong pagkakaiba ay malinaw\n na tumatambad. Kahit na ang\nilan sa atin ay nagmamay-ari ng mga kabahagi, ang mga manggagawa ay \nwalang karangyaang lisanin ang kanilang mga trabaho at ipamuhay ng \nmarangya ang kanilang kinita mula sa pamumuhunan.<\/p>\n\n\n\n<p>Kung iyong lilimiin ang lipunan gamit ang mga ganitong pagkakahati ng\n mga uri, ang maraming problema na sa wari baga\u2019y hindi maunawaan ay may\n malinaw na mga solusyon. Ang pakinabang ay nakukuha sa pagmamay-ari \nnito. Ang kabayaran o sahod ay nakukuha naman sa pagpapagal, sa \npamamagitan ng pag-ubos sa ating pisikal at mental na lakas sa \npagtatrabaho para doon sa mga nagmamay-ari ng mga pamamaraan ng \nproduksiyon at pamamahagi.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang may-ari ng isang partikular na pagawaan ay maaaring hindi nya \nnamamalayang siya pala ang nagmamay-ari nito. Ito ay maaaring isa lamang\n bahagi ng isang napakalaking punong kumpanya na pinamamahalaan ng iba. \nAng mga trabahador sa paggawaan, ganun pa man, ay direktang nakadugtong \nsa produksiyon. Ang mga pagpapagal ng mga manggagawang ito (pati na ang \npamamahala ng planta) ang siyang lumilikha ng mga kita na siyang \nnagpapayaman sa mga kapitalista. Mahalaga na bayaran ng mga kapitalista \nang kanilang mga trabahador sa mas mababang halaga kaysa sa halaga ng \nkanilang mga pinagpagalan. Ang kaibahang ito sa pagitan ng halaga ng \nkung ano ang ibinayad sa manggagawa at ng halaga ng kung ano ang \nkanilang nagawa na siyang pinagmulan ng kita.<\/p>\n\n\n\n<p>3. Na mapapawi lamang ang tunggaliang ito sa pamamagitan ng \npagpapalaya sa mga uring manggagawa mula sa ilalim ng pangingibabaw ng \nuring panginoon; sa paglilipat tungo sa panlahatang pagmamay-ari ng \nlipunan, ng mga pamamaraan ng produksiyon at distribusyon, at ng \ndemokratikong pagkontrol ng mga ito sa kabuuan ng mga tao.<\/p>\n\n\n\n<p>Habang ang pagmamay-ari ng produksiyon at distribusyon ay nakaatang \nsa uri ng mas kakaunting mga kapitalista, ang ganitong paglalaban ay \npatuloy na mananatili. Ang salungatan ay sanhi ng magkakaibang interes \nng mga uri. Kahit na gaano kaganda ang pagiging mga kapitalista sa antas\n pansarili, palagiang mayroon silang naiibang interes kaysa sa mga \nmanggagawa. Hindi ito isang bagay na kung mabuti man o masama o ano pa \nman gaya nito, ito ay likas sa anumang sistema ng pag-uuri. Samakatuwid,\n ang tanging paraan upang maalis ang tunggaliang ito ay iwaksi ang \nsistema ng pag-uuri at itatag ang isang sistema ng panlahat na \npagmamay-ari na dito ang tunggalian kagaya ng dati ay walang saligan.<\/p>\n\n\n\n<p>4. Na kagaya ng pagkakasunod-sunod ng ebolusyong sosyal, ang uring \nmanggagawa ay siyang pinakahuli sa pagkakamit ng kanyang kalayaan, \nsapagkat ang pagpapalaya sa uri ng manggagawa ay siya ring magpapalaya \nsa sangkatauhan, na walang pagtatangi ng lahi o kasarian.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang poot at kawalang pagtitiwala na narito ngayon sa ating lipunan ay\n tuwirang bunga ng kalikasan ng mga lipunan sa nakaraan at sa \npangkasalukuyan. Sa lipunang para tayo mabuhay ay dapat tayong \nmakipagkumpetensya, na ang ating mga trabaho ay nanganganib na mapapunta\n sa iba, na hindi natin maramdaman na tayo ay panatag, ay isang matabang\n lupa na panganganakan ng pagtatanging lahi, pagtatanging-kasarian, \npagtatanging-bansa, at ng ibat-iba pang mga kapootan na naglipana.<\/p>\n\n\n\n<p>Kahit ngayon, habang ang poot na ito ay minsan ginagamit para itapat o\n paharapin ang isang manggagawa laban sa kaniyang kapwa manggagawa, \nlumilitaw na sa pangkalahatan, ang mga kapootang ito ay binubunot at \nitinuturing na hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Walang lipunan ang \nkayang ibigay ang ating pangangailangan bilang tao habang mayroong mga \nibat-ibang klase ng mga tao. Ang bawat tao ay may mga kakayahan na \nnagtatangi sa kanila sa mga iba pa, subalit tayong lahat ay \npantay-pantay sa ating pagkatao. Tayong lahat ay mayroong mga lakas at \nkahinaan. Ang kailangan natin ay isang lipunang papayagan tayong gamitin\n ang ating mga lakas, at isang lipunan rin na tatanggap at \nbibigyang-daan ang ating mga kahinaan.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang sosyalismo ay isang lipunang nakatuon sa pagbibigay ng \npangangailangang pantao, at ang pangangailangang matanggap tayo dahil \ntayo ay tayo, ay maaring siyang pinakapangunahin sa lahat ng \npangangailangang pantao. Kapag naglaho na ang mga lupang-panganakan ng \nmga kapootang ito, likas na mapupuksa ng mga tao ang mga yaon kasama ang\n lahat na iba pang negatibong tira-tira ng kapitalismo.<\/p>\n\n\n\n<p>5. Na ang pagpapalaya na ito ay dapat na maging gawain na rin mismo ng uring manggagawa.<\/p>\n\n\n\n<p>Tanging ang buong kamalayang suporta ng uring manggagawa ang lilikha \nng sosyalismo at sa katapusan nito, ang World Socialist Party ay \nnaglalayon na madagdagan at mapakilos ang suporta para sa sosyalismo. \nAng Pandaigdigang Lapiang Makapanlipunan ay nananawagan sa bawat \nmanggagawa na alalayan ang mga pagsisikap na ito sa anumang paraan na \nkaya nilang gawin.<\/p>\n\n\n\n<p>6. Na ang makinarya ng gobyerno, pati na ang pwersang militar ng \nbansa, ay nananatili lamang upang pangalagaan ang monopolya ng mga \nkapitalista sa mga yamang nagmumula sa mga trabahador, kung kaya ang \nuring manggagawa ay kinakailangang mag-organisa ng buong kamalayan at sa\n pamamagitan ng pulitika upang kamtin ang mga kapangyarihan ng \npamahalaan, upang ang makinaryang ito, pati na ang mga puwersang ito, ay\n maisa-bagong anyo mula sa pagiging instrumento ng pang-aapi patungo sa \npagiging instrumento ng pagpapalaya at ng pagpapatalsik sa pribilehiyong\n pangmayaman lamang.<\/p>\n\n\n\n<p>Magiging isang kalokohan lamang na asahan na kusang loob na isuko ng \nuring mamumuhunan ang kanilang kalagayang may pribilehiyo sa lipunan. \nNarito lamang ang gobyerno para pamahalaan ang lipunan habang ito ay \nnabubuhay! Sa kapakinabangan ng uring (kapitalista) nakapangyayari, kaya\n ang mga gobyerno ay hindi wawakasan ang pribilehiyong ito. Habang \ntinatanggap ng uring manggagawa ang ganito, ang kapitalismo ay \nmagpapatuloy. Dapat pilitin ng uring manggagawa ang uring kapitalista na\n isuko ang kanilang kalagayang may pribilehiyo.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang sosyalismo ay magiging resulta ng pagpili, sa demokratikong \nparaan, ng mga manggagawa ng isang bago, walang uri ng lipunan na salig \nsa pagpupuno ng pangangailangang pantao. At dahil sa ang kapitalismo ay \nisang pandaigdig na sistema ng lipunan, nararapat lamang na ito ay \nmapalitan sa buong mundo.<\/p>\n\n\n\n<p>Mapanganib at walang saysay na sundin yaong mga nagtataguyod ng \nkarahasan ng mga manggagawa laban sa mga sandatahang lakas ng estado. \nAng marahas na himagsikan na kung minsan ay nangangahulugan ng iba\u2019t \nibang mukha ng uring manggagawa, palaging nangangahulugang patay na ang \nmanggagawa at hindi kailanman pagpapalaya ng uring manggagawa. Maliban \nna ang mga obrero ay mag-oorganisa ng buong kamalayan at pamamaraang \npulitikal at agawin ang kontrol sa makinarya ng estado, pati na ang \npuwersang militar nito, matitiyak ang isang madugong tagumpay ng estado.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang demokrasyang pulitikal ang pinakadakilang kasangkapan (sunod sa \nkaniyang kapangyarihang-paggawa) na pwedeng magamit ng uring manggagawa \nna nasa kanyang kapangyarihan. Kapag ang mas nakararaming mga obrero ay \nitaguyod ang sosyalismo, ang tinaguriang \u201crebolusyonaryong\u201d digmaan ay \ndi na kailangan. Ang tunay na himagsikan ay ang pagtigil ng mga \nmanggagawa sa pagsunod sa mga lider, na simulang unawain kung bakit ang \nlipunan ay kumikilos ng ayon sa ikinikilos nito, at umpisahan ang \npag-unawa para sa kanilang sarili.<\/p>\n\n\n\n<p>7. Na kung ang mga partidong pampulitika ay walang iba kundi ang \npagpapahayag ng interes ng mga uri, at katulad rin na ang mga interes ng\n uring manggagawa ay direktang laban sa interes ng lahat ng seksyon ng \nuring panginoon, ang partidong naglalayong mapalaya ang uring manggagawa\n ay nararapat na maging galit sa bawat partido.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mga partido ng kaliwa, kanan at sentro ay nag-aangkin na gumagawa\n para sa ikabubuti ng lipunan. Sapagkat ang lipunan ay kumikilos para sa\n interes ng uring kapitalista, malinaw na ang mga partidong nabanggit ay\n nagtataguyod sa interes ng uring kapitalista. Ipinapakita sa atin ng \nkasaysayan na kahit ano pa ang sabihin ng mga partidong ito, kapag sila \nay naihalal na, ang kapitalismo ay kanilang pinapamahalaan sa nag-iisang\n paraan na puwede itong pamahalaan \u2013 para sa kapakanan ng uring \nkapitalista.<\/p>\n\n\n\n<p>Bawat isa sa kanila ay mayroong sariling ideya kung papaano \npatakbuhin ang kapitalismo, malimit na nakawin ang mga ideya ng kanilang\n umano\u2019y mga kalaban sa pulitika. Ang mga reporma na ipinatutupad nila \nay dapat maglahad ng katotohanang pang-ekonomiya. Kung hindi, sila ay di\n na muling maihahalal \u2013 pagkatapos na ang sumunod na partido ay nabigo \nna ilahad ang ganoong katotohanan. Walang paraan na mapunuan ng \nkapitalismo ang mga pangangailangan ng mas nakararami, subalit lahat ng \nmga partidong ito ay nagkukunwari na kaya nilang gawin ito kung sila \nlamang ay makasusumpong ng tamang plano. Wala ni isa man sa kanila ay \nmayroong tunay na bagong mga ideya, kundi mga inulit na reporma na bigo \nsa mga nakalipas na panahon. Ang pagboto para sa sinuman sa mga \npartidong ito ay pagboto para sa kapitalismo, magpakailanman.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mga sosyalista samakatuwid ay namumuhi, hindi sa paraang gumawa \nng marahas na aksyon laban sa iba pang partido o mga kasapi nito, kundi \nlaban sa mga ideya ng mga partidong yaon na nagtataguyod ng kapitalismo.<\/p>\n\n\n\n<p>8. Samakatuwid, ang World Socialist Party ng Estados Unidos ay \nlumalahok sa larangan ng pang-pamahalaang aksiyon na determinadong \ntumayo laban sa lahat ng iba pang mga partidong pampulitika, kahit pa \nman pang-manggagawa o pang-mamumuhunan, at tinatawagan ang mga kasapi ng\n uring manggagawa ng bansang ito na taglayin ang mga prinsipyong ito na \nsa huli ay wakasan o tapusin ang sistemang ito na nagkakait sa mga \nmanggagawa ng mga bunga ng kanilang pagpapagal, at upang ang karukhaan \nay mabigyan ng lugar ng karangyaan, ang karapatan sa \npagkakapantay-pantay, at ang pagkaalipin sa kalayaan.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang WSP ng Estados Unidos ay bahagi ng pandaigdig na kilusang \nmaka-sosyalista na naniniwala na ang kapitalismo ay hindi kayang ibigay \nang pangangailangan ng mas nakararaming sa mga tao dito sa mundo, kahit \nna gaano pa naging \u201cmaunlad\u201d ito. Para mapunan ang mga pangangailangang \nito, ang kapitalismo ay dapat palitan ng sosyalismo.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa lahat ng mga lapiang pampulitika sa Estados Unidos, tanging ang \nWorld Socialist Party ang itinataan sa sosyalismo na ito ay isang \npang-madaliang hangarin. Ito ang layunin na nagtutulak sa WSP na maging \nrebolusyonaryo \u2013 ang ating pagsisikap sa payapa, demokratiko at \nmadaliang pagbabago. Ang World Socialist Party samakatuwid, ay nag-uukol\n ng panahon sa digmaan ng mga ideya laban sa iba pang mga partido. Ang \nmga iba pang partidong yaon, kahit ano pa ang kanilang angkinin, ay \nitinataguyod ang sistemang kapitalista at nilalabanan ang madaliang \npagtatatag ng sosyalismo.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang tanging paraan para makamtan ang sosyalismo para sa uring \nmanggagawa ay kilalanin ito at gumawa ng buong kamalayan at gawaing \npulitikal upang palitan ang kapitalismo ng sosyalismo. Ang World \nSocialist Party ng Estados\nUnidos ay hindi nagtatangkilik ng kaisipan na repormahin ang \nkapitalismo, kung kaya hindi ito gumagawa para sa mga pagbabago nito. \nNapakaraming ibang mga samahan na ganito ang ginagawa ngunit nananatili \npa rin ang mga suliranin. Sa pagtutulak sa sulok sa sosyalismo sa \nhinaharap, ito ay pagsasaisantabi sa wala. Tanging ang partido na \ninaalay lamang sa sosyalismo ang maaaring magtaguyod ng sosyalismo sa \nisang totoo at tapat na pamamaraan.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>LAYON (Object) Ang pagtatatag ng isang sistema ng li punan na nakasalig sa pagmamay-aring pangkalahatan at ang demokratikong kont rol sa mga pamamaraan at mga instrumento sa paglikha at pamamahagi ng yaman mula sa at tungo sa kapakanan ng lipunan sa kabuuan. DEKLARASYON NG MGA PRINSIPYO Ang mga Partidong Kapanalig ng Sosyalismo ay nananalig na:&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"parent":0,"menu_order":0,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","template":"","meta":{"magazine_newspaper_sidebar_layout":"","footnotes":""},"class_list":["post-1576","page","type-page","status-publish","hentry"],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/1576","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/types\/page"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1576"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/1576\/revisions"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1576"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}