{"id":1571,"date":"2019-03-16T23:54:02","date_gmt":"2019-03-16T23:54:02","guid":{"rendered":"https:\/\/wsm.prolerat.org\/?page_id=1571"},"modified":"2019-03-16T23:54:02","modified_gmt":"2019-03-16T23:54:02","slug":"mga-layunin-at-simulain-i","status":"publish","type":"page","link":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/mga-layunin-at-simulain-i\/","title":{"rendered":"MGA LAYUNIN AT SIMULAIN I"},"content":{"rendered":"\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Layunin ng World Socialist Party<\/h3>\n\n\n\n<p>\n Ito ay ang pagtatatag ng isang sistema ng lipunan na ang basehan ay ang \npanlahat na pag-aari at demokratikong pangangasiwa ng mga pamamaraan at \ninstrumento sa paglikha ng kayamanan at pamamahagi nito sa kapakanan ng lipunan sa \npangkalahatan. \n<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Pahayag ng mga Simulain<\/h3>\n\n\n\n<p>Ang World Socialist Party ng Estados Unidos ay nananangan:<\/p>\n\n\n\n<p>1. Na ang kasalukuyang kabuuan ng lipunan ay nakatayo sa pagmamay-ari ng \nmga pamamaraan ng pamumuhay (katulad ng lupa, mga pagawaan, mga \ntren, atbp.) ng mga mamumuhunang kapitalista o uring panginoon, at ang \nresultang pambubusabos sa uring manggagawa, na sa kanilang mga \npagtatrabaho lamang, ang kayamanan ay nalilikha.<\/p>\n\n\n\n<p>2. Na sa isang lipunan, samakatuwid, mayroong isang tunggalian ng mga \ninteres, na inilalahad ang kani-kanilang mga sarili sa isang paglalaban ng \nmga uri, sa pagitan ng mga taong nagtatangkilik ngunit hindi lumilikha, at \nyaong mga taong nagpapagal ngunit walang tinataglay.<\/p>\n\n\n\n<p>3. Na mapapawi lamang ang tunggaliang ito sa pamamagitan ng pagpapalaya \nsa mga uring manggagawa mula sa pangingibabaw ng uring panginoon; sa \npaglilipat tungo sa panlahatang pagmamay-ari ng lipunan, ng mga \npamamaraan ng produksyon at pamamahagi, at ng pambayang pagkontrol \nng sambayanan.<\/p>\n\n\n\n<p>4. Na katulad ng pamamaraang ebolusyong panlipunan, ang uring \nmanggagawa ang siyang pinakahuli sa pagtatamo ng kaniyang kasarinlan, \nsapagkat ang pagpapalaya sa uring manggagawa ay siya ring magpapalaya \nsa sangkatauhan, nang walang pagtatangi ng lahi o kasarian.<\/p>\n\n\n\n<p>5. Na ang pagpapalaya na ito ay dapat na gawin at adhikain na rin mismo ng \nuring manggagawa.<\/p>\n\n\n\n<p>6. Na ang makinarya ng gobyerno, pati na ang pwersang militar ng bansa, ay \nnananatili lamang upang pangalagaan ang monopolya ng mga kapitalista sa \nmga kayamanang nagmumula sa mga trabahador, kung kaya ang uring \nmanggagawa ay mag-organisa ng buong kamalayan at sa pamamagitan ng \npulitika para makamit ang mga kapangyarihan ng pamahalaan, upang ang \nmakinaryang ito, pati na ang mga pwersang ito, ay maisabagong-anyo mula \nsa pagiging instrumento ng pagka-api tungo sa pagiging kasangkapan ng \npagpapalaya at ng pagpapatalsik sa pribilehiyong pangmayaman lamang.<\/p>\n\n\n\n<p>7. Na kung ang mga partidong pampulitika ay walang iba kundi ang \npagpapahayag ng interes ng mga uri, at katulad rin na ang mga interes ng\n \nuring manggagawa ay direktang laban sa interes ng lahat ng pangkat ng \nuring mapanupil, ang partidong naglalayong mapalaya ang uring \nmanggagawa ay nararapat na kalabanin o sinasalungat ang bawat ibang \npartido.<\/p>\n\n\n\n<p>8. Samakatuwid, ang World Socialist Party ng Estados Unidos ay lumalahok sa \nlarangan ng pampamahalaang aksyon na determinadong tumayo laban sa \nlahat ng mga ibang partidong pampulitikal, kahiman sinasabing ang mga ito \nay pangmanggagawa o pangmamumuhunan, at tinatawagan ang mga kasapi \nng uring manggagawa ng bansang ito na itaguyod ang mga prinsipyong ito at \nwakasan na ang sistemang nagkakait sa mga manggagawa ng mga bunga \nng kanilang pagpapagal, at upang ang karukhaan ay mabigyan ng puwang \nang kaginhawahan, ang karapatan sa pagkakapantay-pantay, at ang \nkasarinlan sa pagiging alipin. \n\u201cPangmundong Partido Sosyalista ang Estados Unidos\u201d \n\u201cPandaigdig na Kilusang Makapanlipunan\u201d <\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Layunin ng World Socialist Party Ito ay ang pagtatatag ng isang sistema ng lipunan na ang basehan ay ang panlahat na pag-aari at demokratikong pangangasiwa ng mga pamamaraan at instrumento sa paglikha ng kayamanan at pamamahagi nito sa kapakanan ng lipunan sa pangkalahatan. Pahayag ng mga Simulain Ang World Socialist Party ng Estados Unidos ay&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"parent":0,"menu_order":0,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","template":"","meta":{"magazine_newspaper_sidebar_layout":"","footnotes":""},"class_list":["post-1571","page","type-page","status-publish","hentry"],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/1571","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/types\/page"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1571"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/1571\/revisions"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1571"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}