{"id":1566,"date":"2019-03-16T23:50:23","date_gmt":"2019-03-16T23:50:23","guid":{"rendered":"https:\/\/wsm.prolerat.org\/?page_id=1566"},"modified":"2019-03-16T23:50:23","modified_gmt":"2019-03-16T23:50:23","slug":"ano-ang-mga-kadahilanan-ng-kahirapan-sa-mundo","status":"publish","type":"page","link":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/ano-ang-mga-kadahilanan-ng-kahirapan-sa-mundo\/","title":{"rendered":"ANO ANG MGA KADAHILANAN NG KAHIRAPAN SA MUNDO?"},"content":{"rendered":"\n<p>Ang Pandaigdigang Kapisanan para sa Pagpapaunlad o World Development\nOrganization, ay nagsasabi na ang mga patakaran ng mga pamahalaan at mga\nbanyagang negosyo ang sanhi ng kahirapan. Sila kaya ay tama?<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mundo ay may kayamanan at mga kapamaraanan upang wakasan ang\nkahirapan. Datapuwat halos kalahati\nng populasyon ng mundo ay nabubuhay lamang sa\nhalos 1.40 dolyar ($1.40) kada araw. At higit sa labing-isang (11M) milyong mga bata\nang mamamatay mula sa mga sakit na sanhi ng kahirapan ngayong taon lamang na ito\n(basahin ang polyeto na nalathala sa bagong isyu ng \u201cThe New Internationalist\u201d). Ang\npartikular na polyetong ito na pinamagatang, \u201cHindi ba panahon na upang isakatuparan\nang mga paraan upang malunasan ang mga dahilan ng kahirapan?\u201d ay inilathala ng\nisang organisasyong tinaguriang \u201cWorld Development Movement\u201d at ito ay maaaring\nnagmula sa alinman sa mga ibat ibang samahang kawanggawa na nagsusulong sa\nlarangang ito.<\/p>\n\n\n\n<p>Maaaring ang kanilang sinasabi ay totoo \u2013 ang mundo ay talagang maraming\nkayamanan at kapamaraanan para wakasan ang kahirapan \u2013 at, oo, lagpas pa sa\ntamang panahon na isagawa ang paglupig sa mga ugat (o kaya ay ugat) ng kahirapan.<\/p>\n\n\n\n<p>Kung gayon, ano ang sanhi ng pandaigdigang kahirapan? Malinaw, ito ang\npangunahing katanungan dahil kung di mo makuha ang tamang kasagutan, di mo rin\nmakakamtan ang tamang solusyon.<\/p>\n\n\n\n<p>Ayon sa WDM, ang sanhi ng kahirapan sa mundo ay ang mga patakarang\nkasalukuyang ipinatutupad ng mga gobyerno at\nng mga korporasyong multinasyonal:\n\u201cAng mga polisa o patakaran ng\nmga pamahalaan at mga kumpanya o\nkorporasyon ang siyang nagpapahirap sa mga tao. Mga patakarang tumitiyak na ang\nmga benepisyo ng pandaigdigang kalakalan ay m\napunta sa mga mayayaman, hindi sa\nmahihirap &#8211; &#8211; &#8211; ang tatlong (3) pinakamay\nayamang tao sa mundo ay mas mayaman pa\nsa apatnapung (40) pinakamahirap na pinags\nama-samang mga bansa. Mga patakarang\nnagbibigay ng karagdagang kapangyarihan sa\nmga dayuhang kumpanya \u2013 sa bawat\nisang (1%) ng tulong para sa mga mahirap na bansa, animnaput-anim (66%) porsiyento\nnaman ng tubo o pakinabang ang kinukuhang palabas ng mga dayuhang kumpanya.\nAng mga makapangyarihan ay ginagamit ang\nmahihirap para sa sariling kapakanan\nupang magkaroon ng mas malaking kita.\u201d\n<\/p>\n\n\n\n<p>Ang lunas ng WDM sa problema sa\nkahirapan sa mundo ay umaayon sa\nmasusing pagsusuri na \u201cang mga patakaran ng gobyerno at korporasyon ang\npinagmulan\u201d.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cAting hinihikayat ang mga nagbubuo ng mga kapasiyahan na baguhin ang mga\npatakaran na nagpapanatili sa mga tao sa pagiging mahirap.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cSinasabi nila ito umano\u2019y kayang isakatuparan kung bibigyang diin ang\npagsasagawa.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cSa mga mayayamang bansa kagaya\nng Britanya, ang mga desisyon na\nginagawa ay pwedeng bumuo o magwasak ng buhay ng mga mahihirap. Pwede nating\nimpluwensyahan ang mga desisyon na yaon. K\nung kaya, ang ating pagkilos ay labis na\nnapakahalaga. Sa pagsasama-sama, tayo ay magiging makapangyarihan at\nmakakamtan ang pagbabago para sa mga dukhang nabubuhay sa daigdig.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cIto ba ay totoo? Ang kahirapan ba sa mundo ay dahil sa nagkamaling mga\npatakaran o polisa ng mga gobyerno at\nmga dayuhang kumpanya? Makakaya ba ng\npanghihikayat at pagluhog sa mga gobyerno at mga negosyo upang mapanibago ang\nmga nagkamaling patakarang ito.<\/p>\n\n\n\n<p>Bilang mga sosyalista, ating sasabihin na ang kasagutan sa dalawang\nkatanungan ay \u201chindi\u201d. Ang mga pamahalaan\nay di nagpupursigi ng mga patakaran na\nunahin ang kita o tubo bago ang mahihirap, sapagkat ito ay pinili nilang gawin kaysa\nnaman walang piliin. O kaya sila ay pinilit ng mga mayayaman o makapangyarihan\nupang pursigihin ang mga patakarang papabor sa kanila bilang mahihirap. Wala talaga\nsilang pagpipilian sa bagay na ito sapagkat walang kontrol sa mga ganoong bagay.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mga gobyerno ay nagpapalakad sa loob ng balangkas ng isang sistemang\npang-ekonomiya \u2013 at ang kasalukuyang sistemang pangkabuhayang ito \u2013 ang\nkapitalismo, kung tatawagin natin \u2013 ay nakabase ayon sa kayamanan na nilikha para\nipagbili sa palengke na ang pananaw ay magkaroon ng tubo, at ayon din sa diin ng\ntunggalian sa pamilihan na nagdidikta na maipon ang mga tubo at pakinabang sa anyo\nng parami nang paraming kapital na inilagak upang lalong lumago at magkaroon pa ng\nmaraming tubo.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang layunin ng produksyon sa ilalim\nng kapitalismo ay hindi upang bigyang\nkasiyahan na mapunan ang pangangailangan ng mahihirap kundi upang lalong\nmakatipon ng tubo, kita, o pakinabang. Ito ay hindi isang patakarang pinili kundi isang\npangangailangang pang-ekonomiya na ipinataw ng pagpapatupad ng walang-damdamin\nat walang humpay na mga alituntuning\npang-ekonomiya na siya namang sinusunod ng\nmga gobyerno, maliban na lamang kung nanaisin nilang isapalaran ang paggawa na\nlalong sasama pa at pupukaw ng mas masahol na bagay upang bumugso ang isang\nkrisis pangkabuhayan at mapigil ang pag-unlad ng dakong kanilang pinamamahalaan.<\/p>\n\n\n\n<p>Sa maikling salita, mas inuuna ng mga gobyerno ang tubo kaysa sa mga\nmahihirap na tao sapagkat sila ay nap\nilitan lamang gawa ng mga walang-damdaming\nkagagawan ng mga puwersa o lakas ng kalakal sa mundo, at hindi dahil sa kagustuhang\npumili. Nangyayari rin kahalintulad, at mas mariin pa, sa kaso ng mga kapitalistang\nkorporasyon. Ang kabuuan ng kanilang layunin ay magkaroon ng tubo mula sa kapital\nna kanilang inilagak sa kanilang mga negosyo upang ang mga may-ari ng kaparteng\nkapital ay makinabang. Yaon ang natural o ang likas para sa isang hayop, at di natin\nkayang isipin na ang World Development Movement ay walang kamalay-malay upang\npaniwalaan na ang mga pribadong kumpanya,\nmaging ito man ay nasyonal o\nmultinasyonal, ay magpursigi o magtaguyod ng iba pang patakaran maliban na sa\npagpapalago ng kanilang pakinabang.<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cKlasikal o Pangunahing Kamalian ng Pagwawasto\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Ang WDM at iba pang mga nanghihikayat na pangkawanggawa ay gumaganap\nsa pandaigdig na pamantayan ng parehong pangunahing kamalian ng \npagpapanibago\nna dati ay nagagawa lamang sa pamantay\nang pambansa: na sinisisi ang mga patakarang isinusulong ng mga gobyerno\n sa halip na sisihin ang mga sistemang pang-ekonomiya, at sa paghahanap \nng solusyon na palitan ang gobyerno o kaya ay mga patakaran na lamang \nnito, sa halip na palitan ang sistemang pangkabuhayan. Sa maraming bansa\n sa daigdig, ang mga gobyerno ay napapalitan, ngunit ang mga patakaran \nna mag-uugnay na gawing mas mahalaga ang tubo kaysa sa mga tao ay \nmagpapatuloy, katulad ng kanilang ginawa sa dating gobyerno na lantarang\n ipinamayani at pinanatili ang kasalukuyang katayuan (Status quo).<\/p>\n\n\n\n<p>Kung kaya, bilang katapatan, ang mga nanghihikayat pangkawanggawa \nkatulad ng WDM ay walang pagkakataon na mahikayat ang mga gobyerno at \nmga maliliit na dayuhang kumpanya, na baguhin ang kanilang nakagawian na\n mas inuuna ang tubo o pakinabang kaysa ang mga tao. At hindi ito dahil \nsa kanilang paniniwala lamang sa pagsusulong na nagtutulak sa kanila sa \nkabiguan; kahit na ang pinakamarahas na demonstrasyon sa kalye ay hindi \nkayang baguhin ang nakagawiang ito. Habang ang mga internasyonal na \nsistemang kapitalista ay patuloy na namamayani, ang mga alituntuning ito\n na pang-ekonomiya ay ipagpapauna ang tubo kaysa sa mga tao, at ang mga \ngobyerno ay walang ibang pagpipilian kundi sumayaw ayon sa tugtugin \nnito.<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit ano ang mga mapamimiliang patakaran na ang WDM at ang iba pa,\n na ninanais sanang isulong ng mga gobyerno at kumpanya? Walang detalye \nang WDM sa kanilang polyeto ngunit malalaman nyo kapag ibinalik nyo ang \nkanilang ginupit na kupon. Ngunit ito ay di na rin lubhang kailangan \ndahil sa kasagutang ibinigay ng \u201cNew Internationalist\u201d na lumabas sa \nkanilang polyeto. Ipinalabas ng \u201cChristian Aid\u201d na pinamagatang \u201cTrade \nfor Life\u201d o \u201cKalakalan para sa Pamumuhay,\u201d isinasaad nito na \u201cang bawat \naraw na palatuntunan ng kalakalan, ang nagpapanatili sa kahirapan sa \nmilyun-milyun at sa kayamanan ng mangilangilan.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Apektado ng kalakalan ang halos lahat sa ibabaw ng mundo. Sa mga \nnakalipas na sandaang taon ito ay naging isang patuloy na \nmakapangyarihang lakas na puwersang internasyunal. Subalit ito ay \nminanipula ng mayayamang bansa at mga kumpanya upang umakma sa kanilang \nsariling interes. Ang mga pagkakataon na dala-dala ng kalakalan ay di \nmatamo ng mga mahihirap na tao. Sila ay napipilitang patuloy na \nnamumuhay sa kahirapan, na iniaalay ang kanilang buhay at kabuhayan para\n payamanin ang iba.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Subalit kung ang mga kasalukuyang \u201ctuntunin\u201d na bumabalot sa \nkalakalan ay siyang sanhi, kung gayon, nararapat lang, ang lunas ay \nbaguhin ang mga tuntunin, at ito nga mismo ang deklaradong layunin ng \n\u201cTrade for Life\u201d sa kaniyang kampanya:<\/p>\n\n\n\n<p>\u201cSa pagkakaroon ng makabagong mga tuntunin, ang kalakalan ay \nmagsisilbing isa sa mga pinakadakilang solusyon sa pandaigdigang \nkahirapan. May kapangyarihan ang kalakalan na lumikha ng mga trabaho, \npagbutihin ang pangkalusugang pangangalaga, at bigyan ng kapakinabangan \nang pamumuhay at kabuhayan ng mga tao. Ang \u201cTrade for Life\u201d ay \nnananawagan sa isang malakihang pagbalangkas sa mga palatuntunan na \nnagpapatakbo sa sistema ng kalakalang pang-iba\u2019t ibang bansa.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Ang Pangangalakal \u2013 pamimili at pagbebenta ng mga produkto at \nserbisyo \u2013 ay hindi dapat ipagkasingkahulugan sa pisikal na pagbiyahe ng\n mga kalakal at serbisyo mula sa isang parte ng daigdig patungo sa ibang\n lugar upang doon gamitin. Ang dalawang ito ay magkaiba, kahit na \nnasasakop ng pangangalakal ang mga ito. Sa katunayan, ito ay dahil sa \nmayroon ngang kalakalan \u2013 at hindi lamang pagbibiyahe \u2013 na\nhindi naman naipamamahagi ngayon sa mga tao ayon sa kanilang \npangangailangan &#8211; ang produkto at serbisyo.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang pangangalakal ay pamimili at pagbebenta, at ang kahulugan nito ay\n pamilihan, na ang mga produkto at serbisyo ay nilikha lamang para sa \nisang pamilihan upang tumubo. Nangangahulugan ito na ang isinasagawang \nproduksyon ay hindi upang mapunan ang pangangailangan ng mga tao kundi \npara punan ang pangangailangan ng nagbabayad, ibig sabihin ay ang mga \npangangailangan na itinataguyod ng mga maka-puhunang ekonomista na \ntinatawag nilang \u201cepektibong pangangailangan\u201d. Sa maikling salita, ang \nkahulugan nito ay ang paglalapat ng prinsipyo ng ekonomiya na \ntinaguriang \u201chindi makabayad, hindi magkakaroon\u201d.<\/p>\n\n\n\n<p>Ganito nga, sapagkat ang milyung-milyung tao na nabubuhay na sadlak \nsa kahirapan, mga taong tunay at nais na kalingain ng mga organisasyong \nkatulad ng WDM at Christian Aid, ay walang sapat na salapi, o kung \nmayroon man ay di sapat, kaya di nila mapunan ang kanilang mga \npangangailangan: hindi sila isang pamilihan. Sapagkat ang kanilang \npangangailangan para sa isang disenteng pagkain, maayos na pananamit, \nsilungan, kalusugan at kalinisang pangkalusugan ay \u201chindi epektibo\u201d o \nkaya ay \u201cwalang bisa\u201d kung kaya nga sila ay hindi pinapansin ng \nkalakalan at ng pandaigdig na sistema ng pangangalakal. Walang pagbabago\n sa mga palatuntunan ng kalakalang internasyunal ang kaya itong baguhin,\n dahil nga ang \u201csistemang internasyunal ng kalakalan\u201d na rin na ito \n(ibang katawagan \u2013 pandaigdig na mercado, kapitalismo) ang siya ring \ndahilan ng problema.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang hinihiling ay hindi baguhing anyo ng sistemang ito na gaya ng \nhiling ng World Development Movement, Christian Aid at iba pa, kundi ang\n paggiba o pagbuwag sa sistemang ito at palitan ng isang sistema na doon\n ang mga likas na kayamanan ng daigdig ay magiging pare-parehong pamana \nsa sangkatauhan. Sa ganitong basehan lamang, na ang mga likas na yamang \nito ay mapakilos para lipulin ang kahirapan sa mundo at tiyakin ang \nisang marangal na buhay para sa bawat lalaki, bawat babae, at bawat bata\n sa ibabaw ng planetang ito. Oo nga, ang daigdig ay nagtataglay ng mga \nkayamanan at kapamaraanan upang wakasan ang kahirapang pandaigdig. At \nsiya nga rin, ito ang pinakatamang panahon na bunuin natin ang \nsuliraning ito.<\/p>\n\n\n\n<p>World Socialist Party U.S. POB 440247 Boston, MA02144 <a href=\"https:\/\/www.worldsocialism.org\">www.worldsocialism.org\/usa<\/a><\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Ang Pandaigdigang Kapisanan para sa Pagpapaunlad o World Development Organization, ay nagsasabi na ang mga patakaran ng mga pamahalaan at mga banyagang negosyo ang sanhi ng kahirapan. Sila kaya ay tama? Ang mundo ay may kayamanan at mga kapamaraanan upang wakasan ang kahirapan. Datapuwat halos kalahati ng populasyon ng mundo ay nabubuhay lamang sa halos&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"parent":0,"menu_order":0,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","template":"","meta":{"magazine_newspaper_sidebar_layout":"","footnotes":""},"class_list":["post-1566","page","type-page","status-publish","hentry"],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/1566","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/types\/page"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1566"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/1566\/revisions"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1566"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}