{"id":1556,"date":"2019-03-16T23:41:03","date_gmt":"2019-03-16T23:41:03","guid":{"rendered":"https:\/\/wsm.prolerat.org\/?page_id=1556"},"modified":"2019-03-16T23:41:03","modified_gmt":"2019-03-16T23:41:03","slug":"ang-sosyalismo-isang-mabilis-na-sangguniang-patnubay","status":"publish","type":"page","link":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/ang-sosyalismo-isang-mabilis-na-sangguniang-patnubay\/","title":{"rendered":"ANG SOSYALISMO Isang Mabilis na Sangguniang Patnubay"},"content":{"rendered":"\n<p>\u201cAng Kapitalismo sa bagong milenaryo ay nananatiling isang sistema ng\npagsasayang, kadahupan at nakapangingilabot na kawalang seguridad.\nNasasaiyong sarili na rin, upang saliksikin ang tungkol sa isang kilusan na\nnaninindigan para sa mapamimilian.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Ang kapitalismo ang siyang sistemang panlipunan na ngayon ay\nnananatili sa lahat ng bansa ng daigdig<\/p>\n\n\n\n<p>Sa ilalim ng sistemang ito,\nang pamamaraan ng produksiyon at\ndistribusyon. (lupa, pagawaan, opisina, bi\nyahe, media, atbp.) ay sinasarili ng\nisang menorya o kakaunti, ito ang uring\nkapitalista. Lahat ng yaman ay tayo ang\nlumikha, ang mas nakararaming uri\nng manggagawa, tayo na ipinagbibili ang\nating mga sariling lakas ng pag-iisip\nat pangangatawan, doon sa mga kapitalista\nkapalit ang kabayaran, suweldo, o sahod.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang layon ng paglikha ng yaman ay\nnagbunga ng mga kagalingan at serbisyo na puwedeng ibenta sa pamilihan para\nsa pakinabang. Hindi lamang ibinubuhay ng mga kapitalista ang mga kitang\nkanilang nakamtan mula sa paggamit\nsa uring manggagawa, bagkus, bilang\nisang uri, sila ay nagpapatuloy sa pagtit\nipon ng yaman na piniga mula sa bawat\nhenerasyon ng mga manggagawa.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Habang ang Kapitalismo ay nananatili, ang tubo o ganansya ay mas laging una\nkaysa pangangailangan<\/h3>\n\n\n\n<p>Ang ilang reporma ay tinanggap ng ilang manggagawa, subalit walang\nreporma na kayang buwagin ang pangunahing tunggalian sa pagitan ng\npakinabang at pangangailangan na nakalatag sa kasalukuyang sistema. Kahit pa\nkung ang mga pangako na ang kapitalismo ay itaguyod ang kapakanan ng mga\ntrabahador o manggagawa ay buong katapatang ginawa, o kaya ay galing sa\nmga oportunistang pulitiko, ang mga pangak\nong ito ay mabibigo, sapagkat ang\nganitong pangako ay parang nagmungkahi\nna pamahalaan ang isang matadero\no katayan para sa kapakanan ng kakataying baka.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Ang kapitalismo sa kanyang walang humpay na kampanya upang\npaglingkuran ang pakinabang kaysa pangangailangan, ay nagtatapon ng walang\nkatapusang agos ng mga problema.<\/h3>\n\n\n\n<p>Halos lahat ng trabahador sa bansang ito ay nakakaramdam ng walang\nkaseguruhan ng kanilang hinaharap. Katulad ng pagsukat ng Bureau of Census,\nsa isang bahayan ng isa sa walong bahay sa Estados Unidos ay nabubuhay sa\nibaba ng linya ng kahirapan sa opisyal na pagtaya ng gobyerno. Ang mga\nmatatanda nang tao ay naiiwang umaasa na lamang sa mga kalinga ng\nkabayaran ng Social Security na sa kabuuan naman ay hindi nakasasapat para\ntugunan ang lumalaking pangangailangan at sila ay napaparusahan kapag\nnaghanap sila ng ibang paraan para mat\nugunan ang mga ito.Milyun-milyun ang\nating mga kapuwa lalake at babae ang namamatay sa matinding gutom \u2013 laksa-\nlaksa ang namamatay sa kanila araw-a\nraw. Paulit-ulit ang mga nangongontrata o\nang kontratista ay \u201cnagtatayo ng s\nobra\u201d para sa publikong nagbabayad,\npagkatapos tayo ay pakikitaan ng isang panoorin ng mga walang tahanang\nmamamayan, o mga taong namumuhay sa \u201cslums\u201d samantalang maraming mga\npabahay at mga \u201capartments\u201d ay wal\nang laman o walang naninirahan dahil sa\nkawalan ng \u201cepektibong pangangailangan.\u201d<\/p>\n\n\n\n<p>Ang mga pagkain ay nasisira, at ang mga magsasaka ay pinopondahan\npara huwag nang lumikha ng produkto; subalit milyun-milyung katao ang hindi\nmalusog ang pangangatawan. Ang mga ospital ay nagkakaroon ng nakasisilaw\nna parada ng mga makabagong teknolohiya para sa pangangalagang medikal o\npagkalinga, subalit marami ang hindi makabayad para sa kanilang kalusugan o\nseguridad sa panahon ng aksidente o kapahamakan sapagkat ang bayarin sa\npagpapa-ospital ay pumapailanlang sa kamahalan. Nananatiling hindi\n\u201ckapakipakinabang\u201dang pagbibigay ng isang disenteng gamutang pangkalusugan\npara sa lahat. Ang isang lipunang nakabase sa produksiyon para sa paggamit ay\nsiyang tatapos sa mga problemang\nnabanggit sapagkat ang prayoridad o\npinagpapauna ng lipunang sosyalista ay ang posibleng pagtugon sa mga\npangangilangan. Sa isang lipunang sosyalista, lahat ay mabuti, sapat para sa\npangangailangan ng isang nilalang.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Alam ng maraming tao na mayroong mali sa lipunan at nais nila itong mabago.<\/h3>\n\n\n\n<p>Ang iba ay umaanib sa mga grupong pang-reporma sa pag-asang ang\nkapitalismo ay maisasaayos pa, subalit ang mga ganitong pagsisikap ay walang\nkuwenta sapagkat hindi mo kayang pangasiwaan ang isang sistema ng\npanggagamit sa mga uri para na rin sa\nkapakanan ng mga ginagamit na mas\nnakararami. Ang mga tao na nangangamba\nsa kinabukasan sa kadahilanang\nang kapitalismo ang pinanghahawakan sa ating planeta ay makasusumpong ng\nkasagutan sa pagsasara ng IMF at ng World Bank, subalit habang ang mga\nnasyon at estado ay nananatili, nangangahulugan na ang pagpapangagawan sa\nekonomiya ay maglalagay sa bukas na palagiang panganib. Hindi mabilang ang\nmga masidhing kampanya at mabubuti\nng hangarin na kinasuungan ng mga tapat\nna tao, ngunit iisa lamang ang solusyon sa\nmga problema ng kapitalismo, at iyan\nay alisin ito at itatag ang sosyalismo.<\/p>\n\n\n\n<p>Bago natin magawa ito, kailangan natin ang mga sosyalista; ang\nmahikayat natin ang mga manggagawa sa ganitong layunin ay nangangailangan\nng kaalaman, mga prinsipyo, at si\ngla para sa pagbabago. Puwedeng paunlarin\nng sinuman ang mga ganitong katangian\n\u2013 at ito ay pinakamahalaga sa\nsinumang nagpapakatotoo upang baguhin ang lipunan.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Ang pag-aasal ng tao ay hindi naitakda kundi pinagpapasiyahan ng uri ng\nlipunan na nakatadhanang pinaninirahan ng mga tao.<\/h3>\n\n\n\n<p>Ang makapal na gubat ng Kapitalismo ay lumilikha ng tiwali,\nmakumpetensiyang pamamaraan ng pag-iisip\nat pagganap. Subalit tayo bilang tao ay kayang umakma sa ating mga pag-\nuugali, at walang dahilan na ang ating\nmakatuwirang pagnanasa ng kaginhawahan at makataong kagalingan ay hindi\ntayo pahintulutang makipagtulungan. Kahit sa ilalim ng Kapitalismo, nakakamtan\nng tao ang kasiyahan sa paggawa ng kabutihan sa kapuwa; kaunting tao lamang\nang nagsasaya sa pakikilahok sa \u201csibilisadong\u201d digmaan ng pang-araw-araw na\nmala-dagang karerang paligsahan. Isipin na lamang kung gaanong kaganda\nkung ang lipunan ay nakabatay sa pagtutulungan o kooperasyon.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Ang industriyang napasailalim sa isang nasyonalisasyon sa simpling\nipakahulugan ay mga manggagawang nagawang manipulahin ng estado, na\nkumikilos para sa mga kapitalista ng isang bansa, kaysa ng isang indibiduwal na\nkapitalista o kumpanya.<\/h3>\n\n\n\n<p>Ang mga trabahador ng nasyonalisahing ko\nrporasyon ng Chrysler ay hindi\nmaipagkakailang mga alipin ng pakinabang katulad ng kanilang kalagayan sa\nngayon. Ang pagpapatakbo ng isang serbisyo ng pampasaherong tren na inilipat\nsa isang korporasyong Federal (Amt\nrak) upang pangasiwaan ang maayos nitong\npagkawala, ay hindi na pagmamay-ari\nng \u201cpubliko\u201d na gaya ng nauna nang ibat-\nibang pribadong mga kumpanya ng riles ang nagsusuporta dito. At kung anuman\nang mga merito ng pambansang paseguruhan ng kalusugan, ang ganung plano\nay hindi maglalagay ng tunay na kapangyarihang magdesisyon sa mga kamay\nng mas nakararaming manggagawa. Ang nasyonalisasyon ay kapitalismong\npang-estado.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Ang mga bansang nagpanggap na tawaging \u201csosyalista\u201d ang kanilang mga sarili\nay hindi kailanman naging ganoon kundi sila ay mga sistema ng kapitalismo ng\nestado<\/h3>\n\n\n\n<p>Doon sa dating Soviet Union at ang kaniyang imperyo, sa Albania at ang\ndating Yugoslavia, ang kapangyarihan ng lipunan ay sinarili ng mga may\npribilehiyong namiminuno ng Partido; sa Tsina at Cuba at iba pang mga bansa\ntinatawag ang kanilang mga sarili na sosyalista, ay nagpapatuloy na sinasarili ng\nganun ding pamunuang burokrasya. Ang mga kaanyuan ng kapitalismo na\nnailahad sa unahan ay nananatiling naruruon. Ang pagsusuri ng kalakalang\npang-internasyunal ay naglalahad na ang huwad na mga estadong sosyalista ay\nkabahagi ng pandaigdig na kapitalistang pamilihan at hindi nila maihiwalay ang\nkanilang mga sarili sa mga rikisitos ng pakinabang.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Ang Sosyalismo ay hindi pa lumilitaw<\/h3>\n\n\n\n<p>Kung ang sosyalismo ay maitatatag, ito ay dapat na pang buong-mundo\nbilang isang alternatibo o pamalit sa lipas sa panahong sistema ng pandaigdig\nna kapitalismo. Sa sosyalistang lipunan, magkakaroon ng isang pag-aaring\npanlahat at isang pangmadlang kontrol sa daigdig ng kanyang mga naninirahan\ndoon. Walang grupo ng minorya ang puwedeng magdikta sa mas nakararami na\nang produksiyon ay patungo sa kita o tubo.<\/p>\n\n\n\n<p>Sapagkat naglaho na ang kapital, ang mga pamamaraan sa paglikha ng\nyaman ay mapapasalahat. Ang produksiyon ay magiging para lamang sa\npaggamit at hindi para paninda. A\nng mga tanging katanungan na kailangang\nitanong ng lipunan tungkol sa yaman ay ganito: ano ang mga pangangailangan\nng tao at ang mga pangangailangan bang ito ay kayang tugunan? Ang mga\ntanong na ito ay masasagot salig sa mga nakahandang pagkukunan para ito\nmatugunan. Hindi tulad noon, ngayon ang makabagong teknolohiya at\nkomunikasyon ay maaaring gamit\nin sa kanyang buong kapangyarihan.<\/p>\n\n\n\n<p>Ang pangunahing prinsipyo ng sosyalismo ay ang pagbigay ng tao ayon\nsa kanilang mga kakayahan at kanilang pagtanggap ayon naman sa kanilang\npansariling pangangailangan. Ang gawain ang magiging saligan ng boluntaryong\npagtutulungan: ang sapilitang pagbabayad at pas\nahod sa trabaho ay aalisin na.\nMawawala na ang pagbili at pagbebenta at ang pera ay hindi na kakailanganin\nsa isang pamayanang may pag-aaring pangkalahatan at malayang pagpasok. Sa\nkauna-unahang pagkakataon, ang mamamayan\nay magkakaroon ng pagmamay-\naring pangkalahatan sa planetang daigdig.<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Ang pandaigdig na Partidong Sosyalista (World Socialist Party) ay isang lapiang\npulitikal, namumukod sa iba pa, sa kaliwa, sa kanan o sa sentro.<\/h3>\n\n\n\n<p>\nIto ay nakatayo sa nag-iisang layuni\nn na itatag ang pandaigdig na sistema\nng lipunan ayon sa makataong pangangailangan kaysa ayon sa estadong\npakinabang o pampribado man. Ang ating \u201cObj\nect and Declaration of Principles\u201d\nay nailahad noon pang 1916 at mula noon ay walang nagawang pagbabago . Sa\nibang mga bansa, may mga kasam\nahang partido na itinataguyod ang parehong\nlayunin at ang mga prinsipyo, habang kanilang napapanatili ang kanilang\nkasarinlan hiwalay sa iba pang mga partido pulitikal.\n\n<\/p>\n\n\n\n<h3 class=\"wp-block-heading\">Ang World Socialist Party ay walang mga lider<\/h3>\n\n\n\n<p>Ito ay isang malayang organisasyon na kontrolado ng mga kasapi.\nNauunawan nito na maaari lamang itatag ang sosyalismo ng mga mulat ang\nkaisipan ng mas nakararaming manggagawa \u2013 na ang mga manggagawa na rin\nmismo ang magpapalaya sa kanilang mga sarili at hindi sila palalayain ng\nkanilang mga lider o partido. Ang sosya\nlismo ay hindi maitatatag ng isang\nlubusang naglilingkod na minorya na\u201cdurugin ang estado\u201d gaya ng\nipinangangalandakan ng ilang maka-kaliwa. O kahit na ang mga pagkilos ng mga\nbayarang pulitikong propesyunal na walang\nkinalaman munti man sa sosyalismo\n\u2013 ang mga kinahinatnan at kinalabasan ng sobrang daming insureksiyon ay\npinatutunayan na ito. Sa oras na ang mas\nnakararami sa uring manggagawa ay\nnakaunawa at ginusto ang sosyalimo, isasagawa nila ang mga karampatang\nhakbangin para mag-organisa ng buong kamalayan upang malayang masakop\nang kapangyarihang pulitikal. Hindi magkakaroon ng sosyalismo kung walang\nmas nakararaming sosyalista.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>\u201cAng Kapitalismo sa bagong milenaryo ay nananatiling isang sistema ng pagsasayang, kadahupan at nakapangingilabot na kawalang seguridad. Nasasaiyong sarili na rin, upang saliksikin ang tungkol sa isang kilusan na naninindigan para sa mapamimilian.\u201d Ang kapitalismo ang siyang sistemang panlipunan na ngayon ay nananatili sa lahat ng bansa ng daigdig Sa ilalim ng sistemang ito, ang&#8230;<\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"parent":0,"menu_order":0,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","template":"","meta":{"magazine_newspaper_sidebar_layout":"","footnotes":""},"class_list":["post-1556","page","type-page","status-publish","hentry"],"_links":{"self":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/1556","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages"}],"about":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/types\/page"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=1556"}],"version-history":[{"count":0,"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/pages\/1556\/revisions"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/www.worldsocialism.org\/wsm\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=1556"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}